PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang barangay chairman at anak nito sa Bgy. Lapting, San Juan, Ilocos Sur noong Lunes ng gabi.
Nasawi sina Bello Joseph Padua Valorozo, 52, at ang kanyang anak na si Jomar, 24, na residente ng Bgy. Caronoan, bayan ng San Juan.
Ayon sa San Juan Municipal Police Station, bandang 7:10 ng gabi noong Lunes, nasa loob sila ng isang Mitsubishi MV 100 van papauwi mula sa isang sabungan nang sila ay barilin ng mga hindi pa kilalang gunmen.
Agad na dinala ang barangay chairman sa Suero General Hospital sa Cabugao, kung saan siya ay idineklarang dead on arrival.
Ang kanyang anak ay dinala sa Pira Hospital sa Cabugao ngunit inilipat sa Northside Doctors Hospital sa Bantay, Ilocos Sur, kung saan siya ay pumanaw habang ginagamot dahil sa tama ng bala.
Sa ngayon ay patuloy ang pulisya sap ag-iimbestiga sa nasabing krimen habang pinaghahanap na rin ang mga suspek.