November 29, 2023

Batangas PNP , nakabantay sa mga naiwang ari-arian ng mga evacuees

Ni Alex dela Cruz

NAKAALERTO na ang Batangas -Philippine National Police kaugnay sa mga lugar na naapektuhan ng Bulkang Taal .

Mahigpit na binabantayan ang walong barangay upang hindi magkaroon ng mga nakawan .

Ayon Batangas Police Provincial Director P/Col. Glicerio Cansilao, regular nagpapatrolya aniya ang “anti-looting team” upang maiwasan ang nakawan ng mga ari-arian sa lugar.

Sa talaan ng Batangas Police Provincial Office, nasa 1,228 pamilya na katumbas ng 4,143 na katao ang inilikas kabilang ang mga barangay sa  2 barangay sa Agoncillo ang Banyaga at Bilibinwang; 3 sa Laurel , ang mga barangay Buso Buso, Gulod at Bugaan East ; 1 sa  Balete sa barangay Palsara Balete; 1 Talisay ang brgy.Quilling Talisay; 1  Cuenca ang Don Juan Cuenca.