LIGTAS na sa H5N1 o avian influenza ang mga manok sa Benguet makaraang ang dalawang taon matapos itong tamaan , ayon sa Department of Agriculture .
Ang mga unang kaso ng impeksyon sa H5N1 strain ay natuklasan sa iba’t ibang mga ibon, kabilang ang layer at native na manok, bibe, pabo at gansa, mula Pebrero hanggang Setyembre 2022 sa Lungsod ng Baguio at sa mga bayan ng Atok, Buguias, Itogon, La Trinidad, Sablan, at Tublay.
Ang agarang depopulation , paglilinis at disinfection, mobility restrictions at surveillance sa mga lugar sa paligid ng mga apektadong slugar pati na rin ang mas mahigpit na biosecurity na agad na nagresulta sa ‘negatibong’ mga resulta ang nagtulak sa desisyon ng DA na ideklara ang Benguet na free na avian disease.
Sa kasalukuyan, bumaba na sa 9 ang bilang ng mga lalawigan na nakalista ng Bureau of Animal Industry na may kumpirmadong mga kaso at hindi pa nakakabawi ng kanilang AI-free na status.
Sa kasalukuyan, ayon sa BAI, apektado ng bird flu ang 66 bayan sa 10 lalawigan. Wala pang iniulat na mga kaso ng HPAI mula nang magsimula ang 2024.
