June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Betaranang aktres na si Jaclyn Jose, pumanaw sa edad na 59

Ni Len Dancel

NAGLUKUSA ngayon ang showbiz industry dahil sa pagpanaw ni Jaclyn Jose nitong Linggo ng gabi ng Marso 3, 2024.

Pumanaw sa edad na 59 si Jaclyn o Mary Jane Guck totoong buhay  sa kanyang bahay sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.

Naglabas naman ng talent management ng aktres na PPL Entertainment kung saan nakasaad rito ;

“It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck).
More details will be shared as soon as they are available.

“The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times,” pahayag ng PPL Entertainment.