WALA nang buhay ng matagpuan sa kalsada sa Norzagaray, Bulacan ang isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution noong Biyernes.
Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.
Base sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., ng Norzagaray police na nakasuot ng boxer shorts ang lalaki nang matagpuan sa gilid ng kalsada.
Bahagyang nakatakip ang isang asul na kamiseta sa mukha ng biktima at ang kanyang mga kamay ay itinali gamit ang isang nylon na lubid.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nakita ng isang concerned citizen ang bangkay ng biktima sa kalsada sa Sitio Lingunan sa Bgy. Partida, bayan ng Norzagaray.
Agad namang ipinaalam sa pulisya ang nakita ng concerned citizen.
Kinordenan ng mga rumespondeng mambabatas ang lugar at sinusuri ang CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.
