June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Biyaheng Naga- Legazpi ng PNR , balik- operasyon na ngayong araw

MATAPOS ang higit na anim na taon, muling tinahak ng mga Philippine National Railways (PNR) trains ang 101-kilometrong rutang Naga-Legazpi-Naga sa Bicol Region.

Sa pag-arangkada ng mga PNR trains sa nasabing ruta, naisakatuparan ang hiling ng mga Bicolano na unti-unting magbalik ang serbisyo nito sa kanilang mga bayan at rehiyon.

Nagpasalamat naman si PNR General Manager Jeremy S. Regino sa Department of Transportation (DOTr), sa pangunguna ni Secretary Jaime J. Bautista, sa malaking tulong nito upang muling mabuksan ang nasabing ruta, na may apat na biyahe kada araw.

Matagumpay na umarangkada kaninang 5:38 AM ang unang biyahe nito sa Naga City papuntang Legazpi City, at 5:45 AM mula sa Legazpi City papuntang Naga City.

Kada hapon, ang biyahe mula Naga papuntang Legazpi ay sa ganap na 5:30 PM. Ang biyahe naman mula sa Legazpi patungong Naga ay sa ganap na 5:47 PM.