
NAUWI sa tensyon ang pagtitipon ng mga rallyista nang mahagisan ng tear gas ang grupong tumututol umano sa bentahan ng boto sa lalawigan ng Laguna sa tapat ng Capitol extension sa Calamba City, apat na araw bago ang eleksyon.
Sa isang viral na post sa social media, makikita ang isang streamer na may nakasulat na pangalan ni Aragones bilang umano’y sponsor ng rally.
Umalma at mariing itinanggi ng mga tagasuporta ni Laguna gubernatorial candidate Sol Aragones na wala silang anumang kaugnayan sa naturang kilos protesta.
Hinagisan ng tear gas ang grupo upang mapahinto ito at mapaalis ang grupo.
Sa mga komento sa FB post , bakit anila hahagisan ang sariling rally at malinaw na black propaganda ito ng katunggali ni Aragones upang sa kanya isisi ang pangyayari.
Malinaw na painit ng painit ang labanan ng kampanya ng mga taga- suporta ng bawat kandidato dahil sa ilang araw na lang ang nalalabi at malalaman na ang nagwagi sa halalan sa darating na Lunes, Mayo 12.
Samantala, wala pang opisyal na pahayag mula sa mga awtoridad kaugnay sa nangyaring insidente.
Nananawagan naman ang kampo ni Aragones na maging patas at maging malinis ang National and Local mid-term elections 2025.