February 29, 2024

Bomb maker at 2 pang CTG , arestado sa Tagum City

Ni Alex dela Cruz

Isang notoryus na bomb maker ng Communist Terrorist Group (CTG)at dalawang kasamahan  nito ang dinakip ng mga awtoridad noong Miyerkules  sa Tagum City .

Kinilala ng mga awtoridad si Victor Rollon  na bomb maker ng Komisyong Mindanao (KOMMID) at Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).

Ang dalawang kasama naman nito ay nakilalang sina Christine Joy Adorza Dula na tumatayong finance officer  ng Weakened Guerilla  Front 3,Sub -Regional  committee at Chargelyn Monta Casquejo na isang political instructor ng  Pulang Bagani Command (PBC ) Regional Operations Command  ROC, SMRC.

Inihain ang  warrant of arrest kay Rollon dahil sa kasong murder at serious  illegal detention  habang si Dula ay mayroong kasong rebellion and insurrection at si Casquejo  naman aya wanted sa kasong homicide sa Lupon ,Davao .