
LABINDALAWANG katao ang kumpirmadong patay habang mahigit 20 iba pa ang sugatan sa malagim na banggaan ng maraming sasakyan na kinasasangkutan ng isang trak, isang bus, at isa pang sasakyan malapit sa Tarlac City Toll Plaza Exit sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) kaninang tanghali.
Ayon sa mga awtoridad , naganap ang aksidente nang magbanggaan ang isang sasakyan at isang bus na nagresulta sa pagkamatay ng ilang pasahero.
Ang mga sugatang biktima ay isinugod sa mga kalapit na ospital para gamutin.
Habang kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyonang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng malagim na aksidente.
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang lugar dahil nagpapatuloy pa rin ang clearing operations.