NAGANAP ang isang minor steam-driven eruption nitong Martes ng umaga ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismolohy (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naganap ang steam-driven o phreatic eruption sa Taal Volcano bandang alas-5:58 ng umaga noong Martes, Disyembre 3, 2024.
Ang isang phreatomagmatic eruption ay nangyayari kapag ang magma ay nakikipag-ugnayan sa tubig at nagpo-produce ng steam ng plumes , abo at iba pang mga materyales sa bulkan.
Ayon sa Phivolcs, nagbuga ang Bulkang Taal ng 2.8 kilometrong taas na kulay gray plume sa kalangitan.
Naitala din sa bulkan ang dalawang pagyanig ng bulkan na tumagal ng apat na minuto.
Naglabas din ito ng katamtamang 600 metrong taas na plume, patungo sa timog-kanluran.
Sonabi ng Phivolcs ang naranasang aktibidad ng pagbuga ng bulkan bilang “moderate emission.”
Noong Nobyembre 30, naglabas ang Bulkang Taal ng 7,216 tonelada ng sulfur dioxide flux.
Patuloy pa din ang pagbabawal sa pagpasok sa Taal Volcano Island, na itinuturing na permanenteng danger zone, gayundin ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na posible rin steam-driven explosions, volcanic earthquakes, at minor ashfall ang maaaring maganap.
Ang Bulkang Taal ay nananatiling nasa alert level 1 o low level unrest.