June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

Cable installer, huli sa aktong nagnanakaw

Ni Alex dela Cruz

Arestado ang apat na indibidwal matapos mahuli sa aktong pagnanakaw ng cable-wire kahapon sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Hobert, Dennies, Switzer at Mennosimon pawang mga cable installer.

Ayon sa report ni PLtCol Milany E Martirez Hepe ng Calamba City Police Station bandang 2:30 ng madaling araw ay dumulog sa kanila ang complainant at arresting officer para iturnover ang mga suspek sa pangyayaring nakawan bandang 10:00 ng gabe ng Disyembre 11, 2022 matapos mahuli sa akto ang mga suspek habang kinakarga ang mga cable wire sa kanilang sasakyan.

Nakumpiska sa mga suspek ang PLDT FSF aerial cable 200 pairs na may habang 100 meters na nagkakahalaga Php 33, 578 pesos.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga nasabing suspek at nahaharap sila sa kasong kriminal naTheft.