
Patuloy ang pagbaba o nasa “low risk “na ang bilang ng mga nagkakasakit ng Covid-19 sa mga probinsya ng Cavite ,Laguna,Quezon at Rizal habang ang lalawigan ng Batanagas ay pababa na rin sa mga sususnod na araw, ayon sa grupong OCTA Research.
Sa inilabas na mensahe ni Dr.Guido David ng Octa Research nitong araw ng Miyerkules, bumababa na ng higit 10 porsyento ang positivity rates sa Calabarzon at National Capital Region o NCR.
“The positivity rates in NCR and Calabarzon continued to fall as all provinces had less than 10% positivity rate as of February 15,” ani ni David.
Bagaman ang NCR na nasa low risk ay patuloy pa ring binabantayan ng grupo sa pagbaba ng kaso ng mga tinatamaan ng Covid-19 .
Kaya naman posibleng maging “very low risk” na ito pagdating ng MArso.
Ang Quezon province ay maaaring unang lalawigan sa rehiyon ng Calabarzon ang malalagay sa “very low risk classification”.
Kasalukuyang nasa alert level 2 status na ang buong Calabarzon simula nitong Pebrero 16-28 .