June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

Camilon sinasaktan ng karelasyong pulis

Ni Cyrill Quilo

Camp Vicente Lim, Calamba City-SINASAKTAN ng karelasyong  pulis Major ang nawawalang beauty pageant candidate na si Catherine Camilon .

Ayon kay CIDG 4-A chief Col. Jacinto Malinao Jr. nagalit  ang suspek na  si Police Major Allan de Castro nang magsumbong sa asawa si Camilon na mayroon siyang ibang karelasyong babae.

Sinabi pa ni Malinao na pinagbubuhatan ng kamay ni de Castro si Camilon kapag nalalasing ito sa alak.

Pinatunayan rin ng kapatid ni Camilon na si Chin-Chin  na may mga pasa sa katawan ang kanyang kapatid na gawa ni de Castro kapag umuuwi ito ng kanilang bahay.

Sa nakalap pang impormasyon ng CIDG4-A, may  plano na si Camilon na  makipaghiwalay kay de Castro na posibleng dahilan  kaya siya dinukot.

Pinabulaanan naman ng suspek na  nakipagkita siya noong araw na mawala si Camilon dahil umano  na nasa Batangas Police Provincial Office si de Castro .