May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Chinese dinukot ng kapwa chinese dahil sa P10-M utang

NAILIGTAS ng mga otoridad ang isang Chinese national na kinidnap ng kapwa Chinese sa Brgy.Ilijan  lalawigan ng Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Liu Xin, 28 anyos na residente ng Liaoyang City , Liaoning Province , China.

Base sa ulat ng Batangas City Police, bandang alas 3:00 ng madaling araw ng Biyernes  ay nakitang naglalakad ang biktima sa naturang lugar.

Sa paglalahad ni  Xin  dinukot umano siya ng apat na kapwa Chinese dahil sa hindi pagbabayad nito ng 10 milyong piso utang.

Mula sa Pasay City ay sapilitang siyang  isinakay sa isang sasakyan at dinala sa lugar na hindi alam kung saan saka siya iniwanan ng mga ito.

SA  tatlong oras niyang paglalakad ay narrating niya ang Barangay Ilijan kaya naman  humingi ng tulong sa mga taong makakakita sa kanya.

Tumanggi ng magbigay pa ng ibang personal na impormasyon ang biktima  maging ang kanyang kompanyang pinagtatrabahuhan dito sa bansa.