NASAKOTE ang isang kidnaper na Chinese nitong Martes makaraang makipaghabulan ang pulisya sa Bgy. San Jose, Castillejos, Zambales.
Ayon sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ng Zambales ni police director Col. Ricardo Pangan, ang suspek ay nakilalang si Hengfa Wu, isang 35-anyos na Chinese national ng Davao City.
Base sa ulat ng mga awtoridad , huminto ang isang puting BMW para sa beripikasyon sa Govic Highway, Bgy. Calapacuan, Subic.
Bigl ana lamang umalis ang kanyang sinasakyan kaya naman humantong sa habulan.
Agad namang nahuli ang sasakyan ng suspek sa Bgy. San Jose, sa Castillejos.
Nang beripekahin ang sasakyan ng pulisya ay kanilang natuklasan na sangkot ito sa isang kidnapping sa Makati City noong Hunyo 10 ng isang 33-anyos na lalaking Chinese national ng Mabini St., Malate, Maynila.
Nadakip naman ang suspek nang ipakalat ang flash alarm ng ZPPO-TOC Viber group ang insidente.
Ang suspek at ang nailigtas na biktima ay nasa pangangalaga na ng pulisya sa Subic.
