NAGSIMULA na nitong Nobyembre 4, 2024 ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, mas maraming pwersa ng militar at pulisya ang naka-deploy sa Bangsamoro region para sa filing period na magtatapos sa Nobyembre 9.
“Sa pakikipagpulong ng mga local Comelec po diyan po namin sa Bangsamoro, nagdagdag na po ng puwersa ng AFP at PNP. Karagdagang puwersa para lang masigurado na magiging mapayapa ang filing ng certificate of candidacy,” ayon sa panayam kay Garcia sa radyo.
Bukod sa COCs, bubuksan din ng Comelec ang paghahain ng List of Nominees at Certificates of Acceptance of Nomination para sa regional parliamentary political parties.
Umapela ang Comelec chair sa mga kandidato na pulis ang kani-kanilang mga tagasuporta at panatilihin ang paghahain ng COC na maayos, malinis, at mapayapa.
Sinabi ni Garcia na kabuuang 73 BARMM parliamentary seats ang nakataya sa unang BPE sa Mayo 12, 2025.
Ang national at lokal na halalan ay gaganapin din sa parehong petsa.