NAAKTUHAN ng pulisya ang isang construction worker na nagtangkang magnakaw sa isang bahay sa Mabalacat City, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., Pampanga police director Col. Eugene M. Marcelo kinilala ng complainant na si Joel Cortez, 50, ng Stockholm St., Bgy. Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga.
Ayon sa biktima,wasak na ang padlock ng bahay nang siya ay dumating sa kanyang tirahan .
Agad humingi ng tulong si Cortez sa mga miyembro ng Bantay Bayan.
Nang pumasok sila sa bahay para tingnan, nalaman nilang nawawala ang ilan sa mga cable wire na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 milyon.
Nang inspeksyunin ay kanilang nakita na nasa bahay pa rin ang suspek na si alyas “Sulen,” 30, construction worker na naninirahan sa Camiling, Tarlac.
Ipinaalam din ng suspek sa pulisya ang pinagtataguan ng dalawa pang kasamahan nito na isang alyas “Torres,” 47; at alyas “Domeng,” 37, kapwa ng Bgy. Sapang Biabas, Mabalacat City.
