Camp Gen Miguel C Malvar, Batangas City–TIMBOG ang isang construction worker matapos ang isang insidente ng pananaksak na naganap sa Purok 1, Barangay Dalig, Batangas City bandang alas-5:00 ng hapon noong Hulyo 19, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rexson”, 38 taong gulang na residente ng nasabing barangay habang natukoy naman ang biktimang si alyas Japee, 37 taong gulang na isa ring construction worker rin at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dalig, Batangas City.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima habang nag-iinuman kasama ang kanilang mga kaibigan. Nag-ugat ito sa mainitang argumento na nauwi sa pisikal na komprontasyon. Sa gitna ng gulo, kumuha ng kutsilyo sa kusina ang suspek at ilang ulit na inundayan ng saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad namang naisugod ng isa sa mga ka-trabaho ang biktima sa Batangas Medical Center, kung saan ito ay kasalukuyang nasa stable condition.
Nang matanggap ang ulat bandang alas-9:40 ng gabi, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Batangas Component City Police Station at nakarating sa pinangyarihan ng insidente sa loob lamang ng tatlong minuto. Naaresto ang suspek malapit sa kanyang tahanan at narekober din ang ginamit na kutsilyo.
Kasalukuyang inihahanda ng himpilan ng pulisya ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kasong Frustrated Homicide laban kay alyas “Rexson” sa Tanggapan ng Piskalya ng Batangas City.
Sinabi ni PLtCol. Ira Morello, OIC ng Batangas Component City Police Station na “Ang mabilis na pagresponde ng ating mga tauhan ay patunay ng ating dedikasyon na mapanatilu ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. Sa loob lamang ng tatlong minute ay narespondehan natin ang insidente , na maginf sus isa mabillis na pagkakaaresto natin ang insidente na naging sus isa mabilis na pagkakaaresto ng suspek . Kami ay patuloy na nakahanda 24/7 upang tugunan ang anumang tawag ng serbisyo para sa kaligtasan ng bawat Batangueno”.
