February 29, 2024

Construction worker, pinatay ang live-in partner sa Batangas

Ni Alex dela Cruz

KULUNGAN ang bagsak ng isang construction worker  matapos nitong patayin ang ka live-in partner sa bayan ng Taal, Batangas noong Huwebes. 

Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Carlito M Gaces., ang akusado ay kinilalang si Jayson Agas Vergara, 44 taong gulang na  residente ng naturang lugar. 

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad bandang alas 10:45 PM ng August 17, 2023 ay nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Taal Municipal Police Station mula sa mga barangay opisyal ng Brgy. Zone 8 ng nasabing bayan .

Humihingi ng tulong ang isa sa mga anak ng biktima hinggil sa pagapatay umano sa kanyang ina.

 Agad na rumesponde ang pulisya sa nasabing lugar upang siyasatin ang pangyayari.

Huli sa aktong  sinisigawan ng suspek ang kanyang anak at tumabad ang nakahandusay ang duguang katawan ng biktima dahil sa tinamong sugat nito sa ulo.

Dead on arrival sa ospital ang biktima  habang agad na dinampot ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Taal MPS para sa kaukulang disposisyon. 

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang naging motibo ng suspek sa pagpaslang sa kanyang live-in partner.

“Mariin po naming kinokondena ang karahasan lalo na sa pamilya. Makakaasa po kayo na agad naming aaksyunan ang anumang reklamo hinggil dito.”ayon kay PCol.Belmonte .