DEAD on arrival sa ospital ang mag-kasintahan Ibrahim Cardenas at Fatima Claire Pis-oy matapos mawalan ng preno ang sinasakyan nilang dump truck noong umaga ng Enero 18, 2025.
Base sa inisyal na ulat, binabaybay ng mag-asawa ang national road sa Brgy. Paltoc, San Emilio, Ilocos Sur, nang mawalan ng kontrol si Ibrahim sa manibela sa pataas na bahagi ng kalsada.
Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-asawa na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.
