June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Covid-19 sa region 4-A ,patuloy na bumababa

PABABA na ang bilang ng mga tinatamaan ng  sakit na Covid-19 sa rehiyon ng Calabarzon ngayong araw, Pebrero 22,ayon sa Department of Health CHD4-A .

Naitala ang 3,739 aktibong kaso habang 739 ang panibagong aktibong kaso

Nadagdagan naman ng 1,283 ang gumaling sa Covid-19 at siyam (9) ang naitalang nasawi dahil sa sakit.

Nakapagtala sa lalawigan  na may 1,300,sumusod ang Cavite na may 1,271 aktibong kaso,Quezon 533, Rizal 388,Batangas 222 at Lucena City 25.

Inaasahan na mas bababa pa sa mga susunod na araw ang mga nagkakasakit dahil sa patuloy na malawakang bakunahan sa ibat-ibang lugar.