
NAMAHAGI ng mga libreng gamot ang Botika ng Akay ni Sol Partylist sa Barangay Mayapa, Calamba City, sa lalalwigan ng Laguna ngayong araw ng Lunes.
Pinangunahan ni dating Congresswoman ng 3rd District ng Laguna Sol Aragones ang pamamahagi ng daan-daang branded na gamot na aabot sa isang buwan na maintenance tulad ng Amlodipine, Losartan, Metformin , Rosuvastatin sa mga residente ng naturang lugar.
Matatandaang si Sol Aragones ang nakapagpatayo ng kauna-unahang dialysis center sa buong rehiyon ng Calabarzon noong siya ay naging kongresista ng tatlong termino sa House of Representatives.

Nais niyang maipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyong medikal sa mga Lagunense tulad ng pagkakaroon ng maayos na ospital at kumpleto ang pasilidad, libreng gamot , sapat na bilang na doktor at nurses at makataong serbisyong pangkalusugan para sa lahat .
Maipagpapatuloy niya ang lahat ng ito para sa lalawigan kapag siya ay palaring maging gobernadora sa darating na national and local elections (NLE) 2025 sa Mayo 12.