
DAGDAG pasaheng P4 hanggang P17 ang hirit ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa kasalukuyang minimum fare dahil umano sa kanilang pagkalugi.
Mungkahi ng LRT, P17 (pinakamaikling biyahe) hanggang P44 dagdag-pasahe (dulo-dulo). Mula sa umiiral na P11 minimum fare, gagawing P30 para sa maikling biyahe.
Nais naman ng MRT na gawing P33 ang minimum fare mula sa umiiral na P14.
Ayon sa Light Rail Manila Corp., (private operator ng LRT Line 1), taong 2015 pa nang huling naglabas ng pahintulot ang pamahalaan para sa fare adjustment.
Sa nakalipas na mga taon, anila, lumobo na sa P32 bilyon ang nalulugi sa kumpanya.
Giit pa ng LRT, hindi sila pinayagang magpatupad ng 5% fare increase na nakasaad sa kanilang nilagdaang kontrata..
Inalmahan naman ng ilang commuter sectoral groups ang tinutulak na “dagdag-pasakit” sa mga pasaherong nagdurusa sa palpak na serbisyo ng mga nabanggit na kumpanya.