February 24, 2024

Dating Batangas vice-governor Ricky Recto , pumanaw sa edad na 59

Ni Alex dela Cruz

Inanunsiyo ni House Deputy  Speaker Ralph Recto ang pagpanaw ngayong araw, December 6, ng kanyang kapatid na si dating Batangas Vice Governpr Ricky Recto sa edad na 59 anyos.

Natagpuang patay si Ricky sa kanyang bahay sa Pasay City dahil sa  tama ng baril , ayon sa ulat ni Eastern Police District chief Brigadier General Wilson Asueta.

Habang inaalam pa ang ilang detalye sa kanyang pagkamatay.

Matatandaang galing sa pinaka isa sa mga maimpluwensiyang pamilya sa Batangas ang mga  Recto  . Kapatid ni Ricky sina Ralph at Plinky na apo ng dating senador na si Claro M. Recto .

Tumakbo si Ricky bilang Batangas governor noong nagdaang May 2022 elections, ngunit biglang umatras ilang Linggo bago ang araw ng eleksyon matapos niya ianunsiyo ang kanyang suporta sa kanyang katunggaling reelectionist Governor Hermilando Mandanas.