DINAKIP ng Calamba PNP ang isang lalaki na nag pakilalang pulis habang sila ay nag sasagawa ng checkpoint .
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio , Acting Provincial Director ng Laguna PPO ang suspek na si alyas Arnold na pawang residente ng Balut, Tondo, Manila.
Base sa ulat ni PLT Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba CPS ay nag sasagawa ng Checkpoint sa kahabaan ng National hiway sa Calamba City nang masabat nila si alyas Arnold at agad itong hiningian ng lisensya ngunit nag pakilala siya bilang pulis.
Habang sinusuri ng mga kapulisan ang ipinakitang mga dokumento ng nasabing suspek ay napag alaman na dating pulis ang suspect subalit natanggal sa serbisyo noong 2018.
Dahil dito agad na hinuli ang suspect subalit matapos basahan ng kaniyang karapatan ang suspect at sumailalim sa preventive search ay nakuha sa kanyang pangangalaga ang dalawang Baril isang Taurus Cal. 45 pistol, isang Norinco Cal. 45 nasamsam din sa suspek ang mga magazine, bala, dalawang cellphone, isang flashlight, isang green bag, isang black holster, pitong PNP ID, isang drivers license, isang National ID, isang PSPG ID, isang Imex ID isang SSS ID, dalawang vaccination card, assorted key at Php. 5,840.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang arestadong suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Usurpation of Authority at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” samantala ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa ballistic examination.