NANGUNGUNA sa pinaka huling survey sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Laguna ang dating kongresista ng 3rd District na si Sol Aragones.
Sa inilabas na 2025 Elections Online survey results ngayong araw ng Marso 28 , 2025 (as of 1200am) , tinanong ang 11, 567 na katao .
Sa tanong na , “ Kung sino ang gobernadora ng mga Lagunense?” , humakot si Aragones ng mahigit sa 53.26% o may katumbas na bilang na 6,161.
Ikalawa naman sa pwesto si Ruth Hernandez na may 19.87% o 2,299 na boto, sumunod sa ikatlong pwesto si Karen Agapay na may 15.90% o 1,840 boto , sunod si Dan Fernandez na may 6.36% o 620 boto , Rose Hernandez na may 4.97% o 575 boto at pinakahuli sa pwesto ay si Dana Fernandez na may 0.622% o 72 boto.
Pinaka aabangan ang survey ng mga kandidato habang papalapit ang botohan.
