WALANG ulat ng mga Pilipinong nasugatan sa magnitude 7.7 na lindol na tumama sa Myanmar Biyernes ng hapon, sinabi ng Philippine Embassy sa Yangon, Myanmar.
Ayon sa United States Geological Survey na ang epicenter ng lindol ay nasa 17.2 km mula sa lungsod ng Mandalay sa Myanmar.
Sinundan ito ng 6.4-magnitude aftershock ilang minuto.
Naramdaman din ang mga pagyanig sa Thailand, at isang 30-palapag na gusali ang gumuho sa Bangkok, na-trap ang 43 manggagawa, sabi ng pulisya at medics.
Sa isang pahayag, sinabi ng Embahada na mahigpit nitong minomonitro ang sitwasyon, at magbibigay ng mga update .
“Ang Embahada ay minomonitor at nag-aabang ng ulat , walang mga ulat ng pinsala o kaswalti mula sa humigit-kumulang 811 rehistradong Filipino nationals na naninirahan at nagtatrabaho sa Myanmar,” sabi nito.
Sa Thailand, sinabi rin ng Philippine Embassy sa Bangkok na walang Pilipinong napinsala o naapektuhan ng lindol.
Pinayuhan ng PH Embassy ang mga Pilipino sa Thailand na manatiling kalmado at mapagbantay, gayundin ang pagsubaybay sa mga update mula sa mga mapagkakatiwalaan at mabe-verify na mapagkukunan ng impormasyon.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 32,950 Filipino sa Thailand.
