NAG-turnover si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman sa Kongreso ang National Expenditure Program (NEP) para sa Fiscal Year 2025, na may temang “Agenda for Prosperity: Fulfilling the Needs and Aspirations of the Filipino People,” sa Lunes, ika-29 ng Hulyo 2024.
Nilalayong suportahan ang administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkamit ng economic at social transformation, at ginabayan ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, ang panukalang budget ay umaabot sa P6.352 trilyon, na katumbas ng 22 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa. Sinasalamin nito ang 10.1 porsiyentong pagtaas mula sa P5.768 trilyong budget noong 2024.
Gaya ng binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address, ang panukalang National Budget para sa FY 2025 ay ginawa nang may pinakamataas na antas ng pangangalaga, sipag at masusing atensyon sa detalye. Pahayag ng Pangulo, “We expect all agencies to ensure that every centavo allocated will be judiciously spent on our urgent priorities and socially impactful programs.”
*Priority Sectors*
Ang panukalang budget para sa FY 2025 ay sadyang ginawa upang isulong ang holistic na pag-unlad at inclusivity sa ilang pangunahing sektor.
*Education* ang pangunahing prayoridad na may alokasyon na ₱977.6 billion, na nagbibigay-diin sa pangako ng gobyerno sa pagpapahusay ng kalidad at accessibility ng edukasyon para sa lahat ng Pilipinos.
Ang *Public Works* ay makatatanggap ng malaking alokasyon na ₱900 bilyon, na mahalaga para sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng mga imprastraktura na magpapabilis sa paglago ng ekonomiya at magpapabuti ng connectivity.
Ang *Health* ay nilaanan ng ₱297.6 bilyon upang maipagpatuloy ang pagpapatupad ng Universal Health Care Act at tiyakin ang accessible at abot-kayang healthcare services, na magpapalakas sa katatagan ng bansa laban sa mga krisis sa kalusugan sa hinaharap at magpapabuti sa well-being.
Dagdag pa, ₱278.4 bilyon ang inilaan sa *Interior and Local Government*, alinsunod sa focus ng administration sa pagsusulong ng inclusive development na umaabot kahit sa pinakamalayo at hindi gaanong naseserbisyuhang mga lugar.
Upang itaguyod ang national security, gawing moderno ang defense capabilities, at tiyakin ang kaligtasan at sovereignty ng bansa, ₱256.1 bilyon ang itinalaga para sa *Defense* sector.
Ang *Social Welfare* ay pinaglaanan ng ₱230.1 bilyon, binibigyang-diin ang misyon ng administrasyon na protektahan ang mga vulnerable na populasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa sa social protection.
Ang *Agriculture* ay makatatanggap ng ₱211.3 bilyon para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda, gawing moderno ang mga agricultural practices, at tiyakin ang food security.
Makakakita ang *Transportation* ng pagtaas na ₱180.9 bilyon para sa pagpapaunlad at modernisasyon ng imprastraktura ng bansa.
Ang *Judiciary* ay nilaanan ng ₱63.6 billion upang suportahan ang mahusay na paggana ng mga korte at iba pang mga judicial bodies, na magpapadali sa napapanahon at patas na paghatol ng mga kaso.
Panghuli, ang *Department of Justice* ay tatanggap ng ₱40.6 bilyon upang palakasin ang mga prosecutorial services, pagandahin ang pangangasiwa ng hustisya, at itulak ang iba’t ibang legal at correctional reforms.
