Magdaraos ang Commission on Elections (Comelec) ng vice presidential (VP) debate sa Marso 20, kaugnay nang nalalapit na May 9 polls sa bansa.
Sa isang press briefing noong Huwebes, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang debate sa pagitan ng mga kandidato sa pagka-bise presidente, ay idaraos isang araw matapos ang presidential debate na nakatakda naman sa Marso 19.
Aniya, sa siyam na vice presidential bets may Isa hindi makakadalo sa naturang debate dahil sa medical concern.
“All VP candidates confirmed except one who, unfortunately, I think will be undergoing surgery… Si Lito Atienza,” ayon pa kay Jimenez.
Kabilang naman sa mga makakadalo sa debate ay sina Walden Bello, Rizalito David, Sara Duterte-Carpio, Manny Lopez, Willie Ong, Kiko Pangilinan, Carlos Serapio at Vicente Sotto III.
Ang national at local elections sa bansa ay nakatakdang idaos sa dating na Mayo 9.