May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Delivery rider,patay matapos magovertake sa truck

Ni Alex dela Cruz

NASAWI ang isang 41-anyos na delivery rider  makaraang mag-overtake sa harapan ng trak sa kahabaan ng national highway Barangay Bagong Pook sa bayan ng Rosario ,Batangas.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Alex Comia habang ang driver ng truck ay nakilalang si Allan Paul Manubay.

Base sa ulat ,alas 4:45 ng hapon nang naka hinto ang trak dahil sa trapik at nang umandar ito biglang nag-overtake ang motorsiklo sa kanyang harapan.

Dead on the spot ang biktima habang ang suspek naman ay agad na ikinulong sa Rosario Police Station na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.