INARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Dectection Group kaugnayan nila sa pananambang noong 2024 at pagkamatay ng isang bise alkalde at bodyguard nito.
Sinabi ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) director Maj. Gen. Nicolas D. Torre III na ang mga suspek na kinilalang sina “Rey” at “Janet” na natunton sa Bgy. Making sa Parang, Maguindanao del Sur ng mga miyembro ng CIDG Maguindanao Provincial Field Unit at ng Cotabato City Field Unit.
Nahuli ang mag-asawa sa bisa ng warrant for murder, frustrated murder at attempted murder na inisyu ng Cotabato City Regional Trial Court Branch 27.
Sinabi ni Torre na ang dalawa ay inakusahan bilang mga “mastermind” sa pagpatay kay Vice Mayor Roldan Benito at sa kanyang security aide na si Weng Marcos, sa Sitio Linao sa Bgy. Pandan, South Upi municipality.
Matatangdaang pinagbabaril hanggang sa mamatay ang bise alkalde at ang bodyguard nito habang sugatan ang asawa ng una, ang barangay chairperson noon na si Analyn Benito, at ang kanilang 11-anyos na anak.
Ang malagim na pagpatay ay nagbunsod sa paglikha ng isang Special Investigation Task Group dahil ang biktima ay isang halal na opisyal ng gobyerno.
Pinangunahan ng CIDG Maguindanao PFU ang imbestigasyon sa mga pamamaslang.
Kasunod ng malalim na pagsisiyasat, ang SITG noong Nobyembre 2024 ay nagsampa ng mga kriminal na reklamo laban sa alkalde, kanyang asawa at 10 iba pang kapwa akusado para sa kanilang umano’y papel sa pagpaplano at pagsasaayos ng pananambang.
