NILIGTAS ang Isang Chinese National ang dinukot at natagpuan sa Aguda Homes Subdivision, Alangilan, Batangas City Batangas ng pasado alas 2 ng madaling araw nitong Miyerkules..
Natukoy ng Alangilan Police ang biktimang si Qu Xiai Ying, 29 years old native ng Shang Hai, China at pansamantalang nanunuluyan sa New Port City, Pasay City.
Base sa imbestigasyon ng pulisya,narescue ang nakatakas umano ang biktima sa mga suspek at nagmadaling nagtungo sa pinakamalapit na 711 convenience store Brgy. Alangilan, Batangas City
Lahad pa ng biktima sa pulisya, dinukot umano ito ng mga di kilalang foreign nationals sa Angeles City Pampanga noong Setyembre 17 ng hatingabi at saka ikinulong ito ng 20 araw sa at Aguda Homes Subdivision, Alangilan, Batangas City.
Nagsagawa ng followup imbestigastigasyon ang mga otoridad sa isang compound na pagmamay-ari ni Leonila Asuncion.Dito na natuklasan ang pinagkulungan sa biktima habang nagsasagwa pa ng pangangalap ng karagdagan impormasyon ang Batangas City Police Station.
