TUGMA ang nakuhang DNA sample mula sa ina ni Catherine Camilon at sa nakuhang dugo at hibla ng buhok sa inabandonang pulang SUV sa Batangas kamakailan .
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat Jr., “Forensic evidence like ‘yung strands of hair at swab of blood na narecover natin doon sa Honda CRV na allegedly ginamit ng mga suspect na pinaglipatan ng katawan ni Miss Camilon ay nag-match doon sa pamilya.
Nagsasabi ng katotohanan ang mga testigo dahil sa aniya, “‘Yung mga witness natin ay hindi nagsisinungaling. There is a corroborative evidence na talagang nakita nilang ang babae na binubuhat ng mga suspect ay certainly si Ms. Camilon,”.
Lalong napapatibay sa kaso laban sa mga suspek dahil sa naging resulta ng DNA test.
Matatandaan sa testimonya ng mga “eyewitnesses” na lumutang sa CIDG Calabarzon , sinasabing Nakita nila ang isang babaeng duguan na inililipat ng tatlong lalaki mula sa Nissan Juke patungo sa pulang Honda CRV.
Natukoy ang Persons of Interests na sina Police Major Allan de Castro at personal driver bodyguard na si Jeffrey Magpantay kabilang ang dalawa pang di nakikilala.
Kaya naman agad na nakasuhhan ng PNP ng kidnapping at serious illegal detention sina de Castro at Magpantay.
Kalaunan ay inamin rin ni de Castro ang “ illicit love affair” niya sa beauty queen na si Camilon.
Sa ngayon ay higit isang buwan nang nawawala si Camilon na nagsimula noong October 12 matapos katagpuin aniya ang isang kakilala.