May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Drug pusher timbog sa P646,000 na droga at baril

Ni Alex dela Cruz

NASABAT ng mga otoridad ang  P646,00 na droga at  baril matapos ang isinagawang search warrant operation laban sa isang suspected drug pusher noong Huwebes , Setyembre 21 sa Barangay Libato  sa bayan ng   San Juan , Batangas.

Arestado ang suspek na si alyas “Jay” , 29 anyos sa ipinatupad na search warrant sa San Juan Municipal Police Station at ng regional intelligence Division  Special Operations Unit4-A na inisyu ng Regional trial  Court Branch 83 ng Tanuan City, Batangas noong Setyembre 13, 2023.

Nasa pangangalaga na nagyon ng pulisya ang suspek na sasampahan ng mga kasong  paglabag sa omnibus election code o gun ban ng Comelec at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.