NATAGPUANG patay ang isang election officer at ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Cambian, Agutaya, Palawan noong Sabado.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima bilang si Emmanuel Gacot, ang election officer ng bayan ng Agutaya, at ang kanyang asawa na si Frenie, may-ari ng Agutaya branch ng Palawan Pawnshop.
Base sa salaysay ng isang kapitbahay nakita nitong patay na ang mag-asawa bandang 8:30 a.m. noong Sabado.
Ang election officer ay nasa loob ng kanilang kwarto na nakahiga habang ang kanyang asawa ay natagpuan sa kusina na may dugo sa ulo.
Pinaghihinalaan ng pulisya ang robbery bilang motibo sa pagpatay.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mgaw awtoridad.