
NAMATAY na ang nag-iisang elepante sa Pilipinas na si Mali ngayong Martes, Nobyembre 28 alas 3:45 ng hapon.
Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuña sa FB page ng Manila Public Information Office ang pagpanaw ni Mali o Vishwa Ma’ali na nagmula pa sa Sri Lanka at namalagi sa Manila Zoo ng halos 40 taon.
Isinailalim sa necropsy si Mali upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito ngayong araw ,