June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Empleyado, patay matapos makipag-away sa 2 sekyu

Calamba City, Laguna- ISANG empleyado ng South Luzon Expressway (SLEX) ang di- umano’y pinagbababril ng dalawang security guard matapos makipag-away sa Barangay Batino, Calamba City ng  lalawigang ito noong Sabado ng hapon.

Nag-viral sa social media ang  isang video footage ng insidente malapit sa administration building ng Calamba Premier International Park( CPIP).

Ang biktima ay natukoy na si Ronald at ang kasama nitong si Robert Santilla, ay nagpapahinga malapit sa perimeter fence ng CPIP bandang ala-1 :15 ng hapon.

Ang mga gwardiya naman ay nakilalang sina alyas  Demetrio at Al Jun na parehong sekyu mula sa Hunter Security  Agency .

Nag-ugat ang pagtatalo ng dalawang grupo nang paalisin ang dalawang empleyado hanggang sa nauwi sa barilan.

Sa imbestigasyon , makikita sa cctv footage na umalis si Demetrio at nang bumalik ito’y mayroon ng dalang baril.

Sa video makikita na binaril ng gwardya  ng ilang beses si Ronald hanggang sa mamatay  habang mabilis na tumakas naman ang suspek .

Agad namang inaresto si Al Jun.