PORMAL nang na turn-over ang dalawang silid-aralan sa Caingin Elementary School na kinumpuni at pininturahan ng Enchanted Kingdom bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2025 ng Department of Education ngayong araw ng Lunes , Hunyo 16, 2025.
Pinangunahan ng founder at CEO ng Enchanted Kingdom na si Mr. Mario Mamon ang kanilang ika-11 taong pakikiisa sa Brigada Eskwela na may temang “Sama-sama para sa bayang bumabasa” na sumisimbolo ng sama-samang malasakit at serbisyo sa komunidad.
Kabilang sa nagbukas ng dalawang silid-aralan na pintahan ng makabuluhang sining ay sina Sta. Rosa City Vice-Mayor Arnold Arcillas , School Division Superintendent Hereberto Jose Miranda at School Pricipal na si Guadalupe Factoriza .
Ang mga murals ay hindi lamang sumisimbolo sa kwento kundi para maging paalaala at magsilbing liwanag na rin para sa mga mag-aaral
Kabilang sa mga itinatak sa mga sining ang pagpapalaganap ng Core Values tulad ng Love of God, Respect , Integrity, Loyalty and Innovativeness.
Samantala, namahagi rin ng mga good items ang Echanted Kinddom sa ilang batang mag-aaral tulad ng hotdog , juice at loot bags.
.
