NASAWI ang isang dating alkalde ng bayan ng Langangilang sa lalawigan ng Abra sa ng pagbabarilin nitong Martes ng umaga.
Kinilala ng Abra Provincial Office ang biktima na si Jenricks Seares Luna, 54-anyos.
Lumalabas sa inisyla na imbestigasyon ng pulisya nakaupo si Luna sa isang kiosk sa harap ng kanyang bahay sa Bgy. Dangdangla, Bangued, Abra pasado alas-8 ng umaga noong Martes nang pagbabarilin ng ilang beses ng apat na armadong lalaki sakay ng dalawang motorsiklo.
Tumakas ang mga armadong lalaki matapos ang pamamaslang.
Naisugod pa ang biktima sa Seares Memorial Hospital ng kanyang mga kaanak ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang mga suspek.
Samantala, dakong tanghali ng parehong araw, narekober ng pulisya ang dalawang inabandonang motorsiklo sa Bgy. Cosili ngunit hindi pa matukoy kung ito ang ginamit ng mga suspek.
Nagsilbi si Luna bilang alkalde ng Langangilang mula 2016 hanggang 2019. Tumakbo siya para sa posisyon bilang miyembro ng District Board ngunit natalo noong national and local elections noong Mayo.
