June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

Ex-pulis, tiklo sa pagbebenta ng ilegal na baril at sangkot sa ilegal na droga

NAHAHARAP ang isang dating pulis sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to B.P. 881 ng Omnibus Election Code matapos mahulihan ng illegal na armas at pagkasangkot sa droga.

Ang suspek ay nakilalang si Alexis Chan , dating patrolman na  miyembro ng PNP Special Action Force sa Malabon City.

Dinampot ng  Criminal Investigation and Detection Group ng Northern Police District  barangay Acacia si Chan sa bisa ng search warrant.

Base sa ulat na nakalap ng mga otoridad, matapos ma-dismiss sa serbisyo, nasangkot si Chan sa pagbebenta ng mga illegal na baril at droga.

Kumpiskado ang isang kalibre .38 at isang .22 long firearm na baril.

Nag-AWOL umano sa serbisyo si Chan noong Enero 2022 hanggang sa tuluyan nang ma-dismiss noong Nobyembre 2022.