NAGSAGAWA ng relief operation sa mga apekatado ng baha sa Barangay Malabanan Biñan, Laguna ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, nitong Enero 13, 2026.Sa pangunguna ni Gobernador Sol Aragones, ang GOByernong may SOLusyon ay naghatid ng relief goods upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha, kabilang ang mga kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center at mga pamilyang nakabalik na sa kanilang mga tahanan. Sa kabila ng mga paghihirap na dulot ng kalamidad, agad na nagbigay ng suporta ang pamahalaang panlalawigan upang maibsan ang pang-araw-araw na pasanin ng mga residente at matulungan silang maging matatag.
