NASAMSAM ang tinatayang P105.575 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo na mula China, Vietnam at Korea makaraang magsagawa ng inspeksyon sa isang compound sa Barangay Santa Isabel, Dinalupihan, Bataan noong Enero 9, 2026.
Sinalakay ng team ng Bureau of Customs (BOC) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS), ang lugar bitbit ang Letter of Authority (LOA) upang sugpuin ang ilegal na kalakalan at huliin ang matagal nang sindikato ng smuggling .
Natuklasan sa loob ng compound ang labindalawang (12) motor vehicle na may kargang humigit-kumulang 1,030 master case ng mga produktong tabako na may mga tatak tulad ng Modern, RGD, Nise Baisha, HP, Power, Carnival, Playboy, at President.
Sa inisyal na imbestigasyon ang mga smuggled na sigarilyong ay ibebenta sa Regions II at III.
Ayon kay Commissioner Nepomuceno “Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng aming walang humpay na pagsisikap na labanan ang smuggling at protektahan ang kita ng gobyerno. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno, maaari tayong magtulungan upang malutas ang problemang ito at matiyak na ang mga nagtatangkang umiwas sa ating mga batas ay mananagot.”
