
NAPATAY ang isang grade -11 student nitong Lunes ng gabi ng armadong kalalakihan sa kanyang tahanan sa San Pablo City, Laguna.
Sa ulat kay Laguna Provincial Director OIC Col. Gauvin Mel Unos ni Lt. Col. Franco Allex Reglos, ang biktima ay kinilalang si Justin Padilla, 21-anyos na estudyante ng Capellan Institute of Technology na naninirahan sa Bgy. San Pedro, San Pablo City, Laguna.
Nanonood ng telebisyon si Padilla nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito bago tumakas alas-9:45 ng gabi. noong Lunes.
Dead on the spot ang biktima.
Sinusuri ng pulisya ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang.