February 25, 2024

Grade 5 student patay sa pananampal ng titser

Ni Alex dela Cruz

NAUWI sa pagkamatay ng isang grade 5 student makaraang sampalin ng umano ng kanyang guro sa Penafrancia Elementary School sa Antipolo City, Lunes ng umaga.

Agad na dinala sa Amang Rodriguez Medical Center ang 14-anyos na si Francis Jay Dumiquib nang dumaing ito ng pamimingi ng tainga.

Sinabi ng bata sa kanyang ina na sinampal at sinabunutan ito ng kanyang guro na si Mirasol Quizon.

Nakapasok pa ng ilang araw si FJ bago naratay sa ICU hanggang saka ito binawian ng buhay.

Lumabas sa medical record ng biktima na brain hemmorage ang kanyang ikinasawi.

Depensa naman ng guro sa pulisya na sinita lamang niya ito dahil sa pag-iingay sa Filipino subject kaya hindi sinasadyang natapik ito sa pisngi.

Sasailalim sa otopsiya ang mga  labi ng bata habang inihahanda na rin ng pulisya ang kasong isasampa ng guro .