June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Gumuhong tulay sa Davao ,kontratista papanagutin ng DWPH

Ni Len Dancel

PAPANAGUTIN ng ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kontratista sa bumagsak na proyektong tulay ng gobyerno sa Davao City nitong nakaraang linggo.

Napaulat na nasaktan ang dalawang katao makaraang gumuho ang ginagawang tulay ng kontratistang ayon mismo kay DPWH region 11 spokesperson Dean Ortiz, ay nakabase sa Davao City.

Giit ni Ortiz, dapat lang managot ang kontratista dahil di pa naman aniya tapos ang nasabing proyekto.

 Pinabulaanan din niya ang usap-usapang kamag-anak ng isang mataas na opisyal ng gobyerno ang kontratistang ginawaran ng proyektong nagkakahalaga ng P93.7 milyon.

Pagtitiyak pa ni Ortiz, hindi pahihintulutan ng kagawaran na masayang lang ang pondo, sabay giit na kailangan pa rin tapusin ng kontratista ang nasabing [proyekto batay ssa disenyong nasa kontrata – bukod pa sa danyos na ipapataw ng pamahalaan sa nasabing construction company na umano’y matagal ng lumalahok sa mga government infrastructure projects.

Dagdag pa niya, iginawad sa hindi na binanggit pang kontratista ang proyekto matapos maipasa ang mabusising prosesong base sa merito at kakayan ng mga lumahok sa government bidding.