June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Gunman ni Percy Lapid, hinatulan ng 16 na taong kulong

HINATULAN ng 16 na taong pagkakabilanggo ng Regional Trial court  Branch 254 ang gunman na si Joel Escorial na pumaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon sa post sa twitter o “X” ni Roy Mabasa , kapatid ni Lapid  , si Escoriala ay hinatulan ni Judge Cesar Huligan sa Las Pinas ng walong taon at walong buwan hanggang labing anim na taon na pagkakabilanggo   .

Matatandaan na noong nakarang taon ng Agosto , hiniling ni Escorial sa korte na mag plea bargaining upang mapababa ang kanyang sentensya.

Dahil sa kusang loob na pagsuko nito sa mga awtoridad makalipas ang ilang araw na pagkakabaril kay Lapid .

Itinuro ni Escorial si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief na si Gerald Bantag at Ricardo Zulueta na deputy security officer ng BuCor  bilang utak sa pagpatay kay Lapid.

Si Percival Mabasa o Percy Lapid ay napatay habang papauwi sa kanyang tirahan sa las pinas noong Oktubre 3, 2022.

Agad na naglabas ng warrant of arrest kina Bantag at.Zulueta.

Ngunit pumanaw si Zulueta noong Marso 15 dahil a sakit sa puso habang si Bantag ay kasalukuyang nagtatago pa rin.