June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Gunman sa ‘Market collector’ sa Bocaue, natimbog

Ni Len Dancel

TIKLO ang dalawang lalaki habang nakatakas ang tatlo iba pang kasmahan  sa pagnanakaw at pagpatay sa isang collector sa palengke sa Bocaue, Bulacan nitong Miyerkules

Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ang biktima si Alona Oliveros, isang tagakolekta sa merkado, na naninirahan sa Bernardo Compound, Caingin, Bocaue, Bulacan.

Nakilala ang dalawang suspek bilang Aliudin Marihom at Alamin Cadal.

Saisiyal na imbestigasyon, nakita  ang biktima nang sumakay ng tricycle mula sa terminal ng Batia Toda sa Brgy. Batia, Bocaue.

Nang huminto ang tricycle sa Brgy. Caingin, biglang lumitaw ang mga suspek, parehong nakasuot ng itim na jaket at helmet sa isang itim na walang plakang motorsiklo.

Habang ang isang sakay naman ay kumuha ng baril saka pinagbabaril ang biktima ng dalawang beses sa ulo.

Agad namang kinuha  ng gunman ang shoulder bag ng biktima bago sila tumakas patungo sa hindi pa malamang direksyon.

Matapos ang pangyayari ay agad naglunsad ang pulisya ng isang operasyon, na nagresulta sa pag-aresto ng dalawang suspek, habang hinahanap pa ng mga awtoridad ang tatlong iba pa nilang kasamahan.