
NADAKIP ang isang guro na Most Wanted Person Regional Level sa kinasang manhunt Operation ng Rizal pulis ..
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio , Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Joven residente ng Brgy Pauli 1, Rizal, Laguna.
Sa ulat ni PCapt Rolly Dahug , hepe ng Rizal Municipal Police Station nagsagawa sila ng manhunt operation laban sa nasabing akusado sa ganap na 6:15 ng gabi Hunyo 23, 2023 sa Brgy. Laguna , Rizal, Laguna kung saan naaresto si alyas Joven n
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ave Zurbito-Alba, Acting Presiding Judge, Branch 8 Family Court City of Calamba, Laguna dahil sa kasong Rape at RA 7877 o “Anti-Sexual Harassment Act of 1995”.