
Urdaneta City, Pangasinan – MARIING binatikos ni Clarice Palce, Secretary-General ng Gabriela ang ginawang pamimigay ng pera kapalit ng halik ng mga kandidato sa pagka Mayor at Vice Mayor na sina Rammy at Jimmy Parayno sa isang campaign rally sa Urdaneta City.
Ayon sa mga nakasaksi, inalok ang isang matandang babae ng pa-premyong nagsimula sa ₱1,000 hanggang umabot sa ₱5,000 kapalit ng paghalik niya kay Vice Mayor Jimmy Parayno.
SAbi naman ng ibang nakapanood ng rally, ito ay isang katuwaan lamang at tinawag din itong “charity ” ng mga Partido nila Parayno.
Iginiit naman ng Gabriela na ito ay isang malinaw na halimbawa ng eksploitasyon at pambabastos sa kababaihan lalo na sa mga may edad na.
“𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘵. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴—𝘭𝘢𝘭𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘶𝘴𝘶𝘨𝘢𝘭,” 𝘨𝘪𝘪𝘵 𝘯𝘨 𝘎𝘢𝘣𝘳𝘪𝘦𝘭𝘢.
Hinikayat nila ang COMELEC na imbestigahan ang insidente at nanawagan sa publiko na huwag iboto ang mga kandidatong lumalapastangan sa dangal ng kababaihan.