ARESTADO ang isang drug suspek ng pinagsanib pwersa ng PDEA Rizal Provincial Office, Regional Intelligence Unit 4A PIT Rizal at Taytay Municipal Police Station nitong Abril 22 .
Inihain ang warrant of arrest ng mga awtoridad sa suspek na si alias Jojo, 53 anyos na residente ng Velasquez Street, Bangiad, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Ang warrant of arrest ay inilabas nitong April 14, 2025 sa Binangonan, Rizal dahil sa kanyang kaso ng paglabag sa Section 12 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus, and other Paraphernalia for Dangerous Drugs) na kung saan si alias Jojo ay nahatulan ng pagkabilanggo ay kinakailangan na maidala sa tamang otoridad upang kaharapin ang kanyang sintensya.
Ang akusado sa ngayon ay nasa kostodiya na ng Taytay Municipal Police Station para sa pagdokumeto ng kanyang kaso.
